Linlang
S1, E5: Magsasama ulit sina Victor at Juliana sa iisang bahay para kay Abby. Babalik ang dati nilang samahan bilang mag-asawa, na labis na ikakaselos ni Alex. Malalaman naman ni Juliana na mag-aampon sina Sylvia at Alex. Dahil dito, unti-unting magkakalamat ang relasyon nila ni Alex, na malalagay sa panganib na madiskubre ng kani-kanilang mga pamilya.
